Mga Post

Imahe
Open-minded ka ba? Ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay isang palatandaan ng patuloy na pag-unlad at pagbabago ng mga bagay sa mundo. Mga bagay na sadyang nagpapagaan at nagpapabilis ng gawain ng tao. Hindi na mapipigilan ang pagsilabasan ng mga modernong yunit ng selpon, pagtatayugan at paglalakihan ng mga gusali, paggagaraan ng mga bahay at sasakyan at pagyayabungan ng mga patok na negosyo. Hindi na mabilang ang mga pagbabagong ito at sa kasalukuya’y naiimpluwensiyahan nito ang sistema ng tao.             Bunsod ng unti-unting paglipas ng panahon, hindi malabong mangyari ang pagkakaroon ng “generation gap.” Maliban sa pagkaugnay ng terminong ito sa batayan ng edad, mangyaring maihahalintulad ito sa konsepto ng mga bagay noon at sa kasalukuyang panahon. Tulad na lamang ng mga gawi, pag-uugali at pamamaraan ng mga magulang.             Noon, laganap an...