Open-minded ka ba?
Ang
pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay isang palatandaan ng patuloy na
pag-unlad at pagbabago ng mga bagay sa mundo. Mga bagay na sadyang nagpapagaan
at nagpapabilis ng gawain ng tao. Hindi na mapipigilan ang pagsilabasan ng mga modernong
yunit ng selpon, pagtatayugan at paglalakihan ng mga gusali, paggagaraan ng mga
bahay at sasakyan at pagyayabungan ng mga patok na negosyo. Hindi na mabilang
ang mga pagbabagong ito at sa kasalukuya’y naiimpluwensiyahan nito ang sistema
ng tao.
Bunsod ng unti-unting paglipas ng
panahon, hindi malabong mangyari ang pagkakaroon ng “generation gap.” Maliban
sa pagkaugnay ng terminong ito sa batayan ng edad, mangyaring maihahalintulad
ito sa konsepto ng mga bagay noon at sa kasalukuyang panahon. Tulad na lamang
ng mga gawi, pag-uugali at pamamaraan ng mga magulang.
Noon, laganap ang paniniwala ng
matatanda kung kaya ang mga magulang ay mahigpit na isinasagawa at ipinatupad
ito sa buong pamilya. Ang isa sa pinakakilalang paniniwala ay ang hindi
pagwawalis sa gabi upang hindi mawala ang biyaya. Ito ay sa literal na kadahilang
maaring mawalis ang malilit na bagay tulad ng karayom. Hindi pa masyadong
nagkakaroon ng de-kuryenteng ilaw ang mga bahay noon lalo na sa mga nakatira sa
bukirin. Isa pang paniniwala ay ang pananatili sa bahay sa tuwing sasapit ang
dapit-hapon. Pinaniniwalaang ang mga oras na ito ay ang pagsilabasan ng ibang
nilalang tulad ng mga engkanto. Ngunit ngayon, binabalewala na ang mga
paniniwalang ito at iilan na lamang sa millennial
parents ang nagpapatupad nito. Ang gawing ito ay kaakibat ng pagtugon at
pagtanggap sa mga panibagong paniniwala. Naimpluwensiyahan na rin ang mga
magulang lalo na ang mayayaman sa iba’t ibang paniniwala sa loob at labas ng bansa.
Ayon
kina Lolo at Lola, mahirap ang pakikipagkomunikasyon noon sa mahal sa buhay na
malayo sa pamilya. Kinakailangan mo pang idaan sa isang sulat ang gusto mong
sabihin. Maghihintay ka pa ng ilang araw para sa sagot niya. Minsan, hindi ka pa sigurado kung natanggap niya.
Kailangan mo rin siyang puntahan kung napakahalaga talaga ng sasabihin mo. May
mga selpon nga noon ngunit mahirap mahagilap ang signal at iilan lamang ang
mayroon nito. Ngayon? Bawat bubong may higit sa isang selpon. Halos bawat tao
ay may account sa social media. Kahit tatlong taong bata may
facebook na. Madali na lamang ang
pakikipagkomunikasyon kahit saang panig ng mundo. Kaya karamihan sa millennial parents ay aktibo sa iilang social media tulad ng facebook. Madali rin sa kanila ang
pagtawag at pagtext sa kanilang mga anak.
Nakatutulong naman ang online
access sa grado sa pagsubaybay ng estado ng pag-aaral ng kanyang anak.
Laging
kuwento sa akin ni Mama ang kanyang mga karanasan sa tuwing nanonood sila ng
telebisyon. Aniya, ang telebisyon noon ay iisa lamang sa kanilang lugar. Ito ay
kilala sa katangiang Black and White. Minsan lamang sila nakapanood ng mga
palabas sapagkat malayo-layo rin ang kanilang lalakarin. Mahigpit ding
ipinagbibilin ng kanyang ama ang paggawa ng mga gawaing bahay. Ngayon laganap
na ang iba’t ibang klase ng telebisyon at halos bawat bahay na ang mayroon
nito. Ang nagging responsibilidad ng magulang sa bagay na ito ay ang tamang
paggabay ng mga anak sa tuwing nanood ng telebisyon sapagkat may mga palabas na
maaring maging masamang impluwensya sa anak.
Kadalasang
gamit noon sa pag-eenkowd ay ang typewriter. Ang anumang pagkamali ay katumbas
ng pag-uulit sa pag-enkowd kung kayat mahalaga ang pag-iingat. Ngayon ang mga
tao ay gumagamit na mga makabagong kompyuter. Ang iba’y sa selpon na lamang nag-eenkowd.
Hinggil nito, mas suportado ng millennial
parents ang pangangailang sa teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Mapapansin talagang malayo ang
pakaiiba ng mga magulang noon at ngayon. Kilala natin ang mga magulang noon na mahigpit
at dapat na nasusunod ngunit ngayon sila ay kilala bilang nangungunang
tagasuporta ng magandang desisyon ng anak lalo na sa larangan ng edukasyon.
Nakisasabay sila sa hilig ng kanilang mga anak bilang bahagi ng pagpapakita at
pagpapadama ng kanilang pagmamahal. Medyo maluwag man ang kanilang pagdisiplina
kumpara noon ngunit makikita naman ang kanilan direktang pagsuporta.
Bihira
pa ang mga teknolohiya noon at marami pang mga paniniwala ang sumusunod.
Maraming magulang ang nakatali sa mga pangyayarin dulot ng kahapon ngunit sa
patuloy na pag-ikot ng mundo, ang pananaw na ito ay unti-unting nagbago. Ang millennial parents ang isa sa
nagpapatunay na ang kaakibat ng mga pagbabago sa mundo ang pagpapatatag ng
samahang magulang at anak sa pamamgitan ng maayos na pagpapalaki at
pagsubaybay.
Bilang
aplikasyon, ang mga makabagng bagay dito sa mundo ay nangailang ng tamang
paggamit. Hindi porket bago at patok sa madala ay kailangang gayahin o gamitin.
Marapat na isaalang-alang ang mga bagay na kaugnay sa magiging epekto nito.
Bilang estudyate, malaking may malaking impluwensiya sa aspekto ng pag-aaral
ang mga bagay na itinuturo at pinapahalagahan ng mga magulang. Sinasabing kung
anong mga madilim na pangyayari sa kanilang panahon ay hindi nila gusting maulit
kung kaya isa ito sa mga basehan nila sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak.
Hindi ibig sabihin na kung hindi ka nabibilang sa millennial parents ay makaluma na ang mga istilo kundi nasasaiyo
ito kung magiging open minded ka sa mga pagbabago.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento